Para mabigyan ka namin ng insurance, kailangan naming malaman ang iyong pangalan, birthday, kung malusog at wala kang sakit, at kung ikaw ba ay babae o lalaki. Itong mga bagay na ito ay tinatawag na “personal information,” o impormasyon na pwedeng gamitin para makilala ang isang tao.
Itong binabasa mo ngayon ay tinatawag na “privacy notice.” Dito namin nilagay kung paano namin ginagamit ang impormasyon tungkol sayo.
Kinukuha namin ang impormasyon mo dahil kailangan naming makilala ang mga customer namin at masiguradong wala silang sakit bago namin sila pwedeng bigyan ng insurance.
Ginagamit namin ang impormasyon tungkol sayo dahil binigay ito ng magulang mo o ng nagaalaga sayo at pumayag silang gamitin namin ito para malaman kung pwede ka naming maging customer at magkaraoon ng kasunduan na bigyan ka ng insurance.
Alam naming mahalaga ang iyong impormasyon kaya sumusunod kaming lahat sa Pru Life U.K. sa mga paraan at patakaran para maingatan ang iyong impormasyon. Kung sakaling may gumamit ng impormayson mo sa maling paraan, sasabihan ka namin at susubukan naming tumulong para maipatigil ang maling pag-gamit ng impormasyon mo.
- Kung gagamitin namin ang impormasyon mo, sasabihan ka namin at ipapalam namin kung paano namin gagamitin ito.
- Kung meron na kaming impormasyon tungkol sayo, pwede namin itong ipakita sayo kung gusto mo.
- Kung may mali sa impormasyon na meron kami tungkol sayo, pwede mo kaming sabihan para maitama namin ito para sayo.
- Kung ayaw mo nang ipagamit sa amin ang impormasyon mo, titigil kami – maliban na lang kung kailangan namin gamitin ang impormasyon mo para
magawa ang trabaho namin.
- Kung di namin nagamit ng tama ang impormasyon mo, pwede rin kaming magbayad kung sakaling maperwisyo ka.
Kung may tanong ka tungkol sa mga pwede naming gawin para sayo, ikaw, magulang mo, o ang nagaalaga sayo, ay pwedeng sumulat sa amin sa dpo@prulifeuk.com.ph o tumawag sa amin sa (+632) 8887 LIFE (8887 5433) kung nasa Maynila ka o 1 800 10 PRULINK (1 800 10 7785465) kung may PLDT na telepono kayo.
Kung sakaling may babaguhin o papalitan kami sa “privacy notice” na ito, sasabihan namin ikaw o ang magulang o tagapagalaga mo.