Privacy notice para sa mga bata
Sino kami?
Kami ang Pru Life U.K., isang kumpanya na nagbibigay ng “insurance” sa mga customer namin. Ang “insurance” ay kasunduan kung saan tutulungan namin ang mga customer namin kapag may masamang nangyari sa kanila, tulad ng pagkakasakit o pagka-aksidente. Kasama sa mga pwedeng maging customer namin ang mga bata tulad mo. Pwede ka naming bigyan ng insurance sa pamamagitan ng magulang mo o ng school mo para makatulong kami kung sakaling magkasakit o ma-aksidente ka.
Anong tawag dito sa binabasa mo?
Itong binabasa mo ngayon ay tinatawag na “privacy notice.” Dito namin nilagay kung paano namin ginagamit ang impormasyon tungkol sayo.
Anong kailangan namin malaman tungkol sayo?
Para mabigyan ka namin ng insurance, kailangan naming malaman ang iyong pangalan, birthday, kung malusog at wala kang sakit, at kung ikaw ba ay babae o lalaki. Itong mga bagay na ito ay tinatawag na “personal information,” o impormasyon na pwedeng gamitin para makilala ang isang tao.
Bakit namin kailangan malaman ito?
Kinukuha namin ang impormasyon mo dahil kailangan naming makilala ang mga customer namin at masiguradong wala silang sakit bago namin sila pwedeng bigyan ng insurance.
Ano ang basehan namin sa pag-gamit ng iyong impormasyon?
Ginagamit namin ang impormasyon tungkol sayo dahil binigay ito ng magulang mo o ng nagaalaga sayo at pumayag silang gamitin namin ito para malaman kung pwede ka naming maging customer at magkaraoon ng kasunduan na bigyan ka ng insurance.
Anong pwedeng mangyari sa impormasyong binigay mo sa amin?
Alam naming mahalaga ang iyong impormasyon kaya sumusunod kaming lahat sa Pru Life U.K. sa mga paraan at patakaran para maingatan ang iyong impormasyon. Kung sakaling may gumamit ng impormayson mo sa maling paraan, sasabihan ka namin at susubukan naming tumulong para maipatigil ang maling pag-gamit ng impormasyon mo.
Mga pwede naming gawin para sayo
1. Kung gagamitin namin ang impormasyon mo, sasabihan ka namin at ipapalam namin kung paano namin gagamitin ito.
2. Kung meron na kaming impormasyon tungkol sayo, pwede namin itong ipakita sayo kung gusto mo.
3. Kung may mali sa impormasyon na meron kami tungkol sayo, pwede mo kaming sabihan para maitama namin ito para sayo.
4. Kung ayaw mo nang ipagamit sa amin ang impormasyon mo, titigil kami – maliban na lang kung kailangan namin gamitin ang impormasyon mo para magawa ang trabaho namin.
5. Kung di namin nagamit ng tama ang impormasyon mo, pwede rin kaming magbayad kung sakaling maperwisyo ka.
Kung may tanong ka tungkol sa mga pwede naming gawin para sayo, ikaw, magulang mo, o ang nagaalaga sayo, ay pwedeng sumulat sa amin sa dpo@prulifeuk.com.ph o tumawag sa amin sa (+632) 8887 LIFE (8887 5433) kung nasa Maynila ka o 1 800 10 PRULINK (1 800 10 7785465) kung may PLDT na telepono kayo.
Anong gagawin namin kung may baguhin kami sa “privacy notice” na ito?
Kung sakaling may babaguhin o papalitan kami sa “privacy notice” na ito, sasabihan namin ikaw o ang magulang o tagapagalaga mo.